Madilim ang paligid at umiiyak ang langit Ibinuhos ko sa tahimik na paghikbi ang lahat ng kinikimkim na galit Sa lahat ng humusga at sa aki'y lumait At sa mga lalong nagpabigat ng bitbit kong pasakit, Hinayaan kong bumaha ng luha sa munti kong silid Habang minamasdan ang mga larawan ng nakaraan Doon sa isang gilid, Hinayaan kong kumawala Ang nagpupumiglas na mga luha Na itinago ko ng panahong napakahaba Sa loob ng kulungang ako mismo ang gumawa Kulungang ako mismo ang lumikha. Tapos na ang panahon ng pagpapanggap Panahon na upang harapin ko ang reyalidad.
Patila na ang ulan at paubos na ang luha At sisiguraduhin kong sa pagpatak ng mga huling butil nito lupa, Ay uusbong ang bagong simula Uusbong ang bagong "ako" Sa aking pagtahan ay kasabay ang pagbabago Sa pagtila ng ulan,muling sisilay ang magandang araw Na magbibigay ng kulay sa mundo kong kay panglaw Sa aking pagtahan haharapin ko ang aking kinatatakutan Sa aking pagtahan haharap akong mas palaban Sa aking pagtahan muli akong ngingiti Sa aking pagtahan,kakalagin ko ang tali, Taling pumipigil sa aking aking paglago Sa aking pagtahan ay uusbong ang isang bagong "ako" Sa aking pagtahan,hindi na ako muli pang magpapatalo Tandaan mo yan: Itaga mo pa sa bato!