Hoy ikaw ! Oo ikaw! Ikaw na walang alam, Ikaw na walang pakiramdam Makinig ka! May sasabihin ako Sana pakinggan mo kasi minsan lang 'to Minsan lang ako gagawa ng isang tula, na alay sa isang tulad mo.
Magsisimula ako sa umpisa Sa mga panahong wala pa akong gaanong nadarama Noong unang beses kitang nakilala At unang beses ko ring nakita, Kung paano ngumiti ang iyong mga mata At kung paano ito kumislap tulad ng mga tala Sa umaga Idagdag mo pa yung magandang kurba ng iyong mga labi At matamis **** mga ngiti Na kay sarap pagmasdan Na kay sarap titigan Nung mga oras na yun, Parang ayaw na kitang tigilan Pero hindi. Saglit lang. Ano to? Uulit na naman ako sa isang siklo ng katangahan? Hindi! Ayoko nang masaktan. Ayoko nang masaktan ng paulit ulit Pagod na kong makaranas ng sakit At syempre,matitinding inggit Kaya pinili kong itigil ang lahat At pigilan ang nararamdaman Nagtagumpay ako nung una Pero kinalaunan? nagpatuloy pa rin ang baliw kong puso Kaya nga kapag nakikita ka na, puso'y napapalukso Hinihiling na sana tumigil ang oras, Para nanjan ka lang. Pagkat ikaw lang ang tanging lunas Sa puso kong matinding lungkot ang dinaranas Hinilhiling na sana wag ka nang lumisan pa Dito ka lang sa harap ko. Yun bang tititigan hanggang kelan ko gusto? Pagmamasdan ang bawat paglabas nung dimples mo Hihintaying kahit minsan,mapatingin ka rina pwesto ko At kahit saglit, mapansin mo ako. At alam mo ba? Nagkaroon din ako ng dahilan sa pagpasok ng maaga Hiahabol ko kasi yung pagkakataong makasabay kita sa pila Syempre para ako yung unang makakita sayo Sa ganung paraan feel ko nakalamang ako Alam kong hindi pwede at walang pag - asa Kaya sige. Hahayaan na kita sa kanila Tahimik na lang kitang pagmamasdan mula sa malayo At papanoorin ang magandang mga ngiti mo. Sana dumating yung araw na hindi lang laging ikaw yung aking nakikita Mula sa malayong lugar na pinagtatanawan ko sayo. Alam kong matatapos din ang pantasyang ito. Sana lang dumating agad yung panahon na yun.