Katarungan nasa'n? Inapakan, dinuraan Ng mga taong niluklok para paglingkuran 'Tong bayan nating lubog, at dugoan Magkano? Sanlibong baryang dinumihan
Libong buhay ang tinapos, musmos, at mga naghihikahos Mga nanay na nawalan ng anak, mga batang di pa tapos Droga? Talaga ba? Ang sabi mo ay kayang-kaya? Tatay Digs, pano na? Bat biglang 'di pala kaya?
Sanlibong tanong sa bawat buhay na binawi Diyos-diyosang maitim ang budhi Bata, matanda, babae, estudyante Nanlaban daw, kaya niyaring nakatali
Bayan kong minamahal, dito na lamang ba? Naka duct tape ang mukha ni inang hustisya May dyaryo, at may nakapaskil na larawang 'WALANG HUSTISYA, WAG TULARAN'