Masusing pinagmamasdan ang larawan Habang di mawari ang aking nararamdaman Gustong pumaibabaw ng aking luha Kasabay ng malakas na paggayak ng tuwa
Ganito nga ba and dulot mo sinta? Anu bang pinanghalik **** pinta? Sakit at tuwang tila makakasanayan na Habang kayo’y magkasama sa twina
Ngiting gumuguhit ng nadarama Ako’y unti-unting nabubura Katingkaran ay nanghihina Dala ng isang mapanuksong diwata
Mga kulay na dati may kakaibang sigla Ngayung tila kumukupas na Ito nga ba’y sanhi ng aking taksil na pagsinta Sa tikipsilim ng buwang nagbabadya
Sa malakas ng ihip ng hangin ako’y nabigla Mag-isang nakaharap sa lumang estampa Mga nakaraan ay nabibigyang hininga Ninanais nang pakawalan ang dating alaala Sabay ng pinintang pag-ibig sana