Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Pusong Walang Pag-ibig

Ipinanganak na mayaman, Kakambal niya ang kasamaan, Tanyag sa kapangyarihan, Ngunit ang kaluluwa'y nangungulila sa kapayapaan, Naghahanap ng kalinga't kaginhawaan. Di niya iniisip ang kapakanan nang karamihan, Sariling interes lamang ang pinapahalagahan, Nanunungkulan ngunit puso'y di para sa bayan, Kakampi niya ang droga't magnanakaw sa kaban ng bayan. Kung ito'y iyo ng nasaksihan, Bakit mo pa rin pinipili ang isang utusan? Na tayong lahat ay kanyang alipin lamang. Gumising ka kabataan! Ninanais mo bang matikman ang tunay na kalayaan? Idilat mo ang iyong mga mata at tingnan ang kapaligiran. Ano ang nangyayari sa iyong nasasakupan? Pagmasdan mo ang naka-abang na kasalukuyan, Tayo'y pinaiikot sa kamay ng kanyang kapalaran, Maging isa kang huwarang mamamayan, Upang pagbabago ay maramdaman ng sambayanan. Iligtas mo ang iyong kapwa Pilipinong nahihirapan, Huwag mo silang pababaya-an, Lagi mong tandaan, Kailangan namin ang iyong tapang at panindigan, Huwag kang magbulag-bulagan, Oo! Tama! sa iyo nakasalalay, Ang tamis ng tagumpay. Ibigay mo ang tunay na kahulugan, Salitang-----kasarinlan, Tiyak! Pilipinas ay di mapag-iiwanan, Kahit sa anumang larangan, Makakamtan nito ang inaasam-asam na pagbabago, Laban Pinoy! Laban Pinay! Laban Pilipino! Ibandila mo ang iyong tunay na pagkatao! Ialay mo ang iyong buhay, Upang tayo'y hindi bilanggo habambuhay, Huwag mo hayaang tayo'y magiging alipin, Sa isang taong may puso ngunit-----walang pag-ibig!!!
Request permission to use this poem
Written by
rizal200
20 / F / Alubijid Misamis Oriental
Published
Sep 6, 2017
Lines·Words
44·210
Notes

Bangon Pilipinas.Makiisa sa pagmulat ng katotohanan na siyang magpapalaya sa atin sa kahirapan.

Tags
#kilos#kabataan
Permission

Request to use this poem

Tell rizal200 how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write