'Di ko din alam, baka ang mga mata mo lang Singkit, at sing rikit ng bituing nag ngingitian 'Di ko sigurado, baka ang ngiti mo lang Totoo, at puro pag sinasabing 'ayos lang'.
'Di ko din masabi, baka ang mga kilay mo lang Na nagkakasalubong pag may ginawa 'kong katangahan. 'Di ko pa din mawari, parang ito'y 'di maari Anghel sa kalangitan nasa 'king tabi.
Sana'y di matapos, araw ay laging kapos Oras na kasama ka, sa kaluluwa ko'y haplos Tawa, ngiti, at ang pagmamahal mo sa kanin Kasiyahang 'to 'di ko akalain