Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Ngayon nandito ka na, aking binabalikan ang nakaraan kung saan walang ikaw, walang tayo, at nawawala ako.

Madilim na umaga na walang pinagkaiba sa gabing isinantabi para sa pagkatao kong tila nagluluksa, hindi malaman ano ang gagawin, hindi alam ano ang dahilan.

Tahimik, at puno ng luha at hikbi ang apat na sulok ng aking kwarto saksi ang mga unan na nagsisilbing karamay tuwing aking isinisisi ang tadhana at sarili bakit ganto ang nangyayari sa aking buhay.

Ngayon, nakatagpo ang sasalba sa aking nalukunod na diwa, nakakapagpasaya sa naguguluhan kong isipan, nakakapagpakalma ng aking kalooban. Nandyan ka na, nandito tayo, nandito na rin ako.
Mayel Tapic
Written by
Mayel Tapic
413
 
Please log in to view and add comments on poems