Boom! Pagsabog! Na sa aking dibdib ay kumabog! Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog! Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan?
Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan, Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan, Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan, Isang bayang tanyag sa kaunlaran, Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan.
Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan, Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan, Isa ako sa mga nawalan ng magulang, at saksi sa karahasan na walang katapusan, Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan.
at habang aking pinagmamasdan, Isa-isang nabubulagta at dugu-an, Ang aking mga kamag-anak at kaibigan, at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay.
Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo, kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod... humihingal.... Iyak ng iyak at nagsusumamo at habang ako'y papalayo ng papalayo-------- Naisip ko: "Saan ako patutungo?" "Sa mga pangyayaring ito sino ang namumuno?" Sila ba'y mga Muslim o Kristiyano?" Ngunit maging sino man sila---- Sila'y hindi santo na may pusong bato, Dahil sila'y pumapatay ng kahit na sino, at ito'y hindi makatarungan at makatao.
Ang sakit....Oo ang saklap...ang bayan na naghahatid ng kaunlaran, Ngayon ay nabubura at nag-iiwan ng isang malagim na ala-ala, Nagsisilbing aral sa tuwina at nagpa-paalala, Na kinakailangan ng isang may malinis na adhikain at tapat sa tungkulin ang namamahala.
Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito? Kaginhawaan o Kahirapan? Kabuhayan o Kamatayan?
Ang katotohanang ito'y-------- Isang malagim na karimlan! Pagluha para sa aming mga kabataan, Crestine Cuerpo at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan,
Oo.....masakit ang mawalan, Ngunit kailangan kong maging matapang, Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban, Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan!
Sa mga kinauukulan: Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan? Kung sa isip at puso niyo'y para lamang sa pera at kapangyarihan?
Kapatid... Kapuso.... Kabarkada.... at Kapamilya....... Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.