Heto na naman ako Nag iisa sa silid Na binubuo ng apat na pader
Naisipan kong umakyat Masdan ang alapaap na binubuo ng tala Kasama ang dalawa kong matalik na kaibigan; Isang bote ng alak, At isang bote ng gamot na walang mabuting maidudulot
Ang kamay ko ay napuno ng marka Hindi itim O asul Pero pula
Sunod sunod na linya at paulit ulit Ang mga marka ay nagsimulang dumugo
Napatingin ako sa ibaba Ang mga halaman at lupa ay naghihintay sa aking pagbagsak Sa buong buhay ko Ngayon lang nagmukang malambot ang aspalto