sa pagbukas ng aking mga mata ikaw agad ang gusto kong makita sa umaga na gustong lunurin ng saya lunurin ng ikaw hinahanap ang nawalang "ikaw" nasaan ang "ikaw" nasaan kaba? kagabi lang katabi ka pero ngayon wala kana anung kalokohan to'? umupo ako at iniisip na ikaw ay umalis ng hindi nagpapaalam ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?
gumawa ako ng mainit na tsokolate na paborito natin inumin parati walang emosyon ang aking nararamdaman ang maliit na butas sa aking puso, na tinutusok ng kalungkutan ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?
sa pagbukas ng pinto ng ating aparador naisip ko na baka nagtago kalang para ako'y iyong gulatin handa sa kaba ng iyong hindi pag-alis sa aking pagbukas hinahanp kita hindi moko ginulat bakit hindi mo ako ginulat? hindi ka nagtago nasaan kaba? sinara ko ulit ang pintuan ng aparador niloloko ang sarili na ako'y gugulatin ulit sa pagbukas ko wala kapadin don hindi kapa din nagpapakita nakita kong nakasabit ang damit mo ang iyong amoy ang mahalimuyak na amoy ng paborito **** pabango na sana malanghap ko pa na sana malanghap ko pa ang amoy ng iyong pagdating
nakita na kita sa letrato nating dalawa tinitignan ang ating mga imahe tinitignan ang ating mga ala-ala binabalikan kung anung meron pa takot bumitaw sa tadhanang biglang umayaw mga letratong tayo ay masaya tayo ay magkasama tayo na punong puno ng tawa nakita ko ang letrato na paborito nating dlawa pero ikaw hindi parin kita makita makikita pa kaya kita?
hinanap kita nilibot ko ang bawat sulok pinuntahan ang dating tagpuan sinilip ang dilim ng kalungkutan binukas ang posibleng pinagtaguan hinahanap ka saan-saan tinanong ang mga tao sa lansangan hindi parin kita makita saan kaba tama na ang taguan magpakita kana lumabas kana sige na labas na ayoko nang magisa tinanggap ang katotohanang ikaw ay wala na na iniwan mokong walang ideya kung nasan ka saan kaba nagpunta?
kung alam kolang na akoy iiwan mo edi sana ikinulong kita kung alam kolang na ikaw ay aalis edi sana ikinandado nalang kita sana sumulat ka manlang o kaya nagiwan ng ideya kung nasaan ka man habang ako nandito parin hinihintay ang iyong pagbabalik nakahiga sa kama nagpapahinga katabi ang mga unan mga basang unan na nilunod ng luha at iniisip ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?