kung ang mundo ay isang kakahuyan ako'y kawayan sa kaharian ng mga sedar siyang nag-iisa at dahan-dahang tumutubo sa 'king tabi sana'y mag-abot ng sanga, kung di man malalim na ugat
kung ang mundo'y higanteng salamin ako'y ngayo'y espasyo sa repleksyon ng iba ngunit nakatayo ka sa 'king harapanΒ Β di imahe, buong pigura natutunaw na ba ang mundo sa sikat ng araw?