Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Tahanan

Naaalala ko kung paanong lumusong sa dalampasigan ng walang kasiguraduhan, naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap sa likod pilit na itinatago ang mga bituing sinusubukang abutin ang daang hindi alam ang pupuntahan kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan, sa pag-asang mahahanap din ang hindi matagpuang kakulangan. Nagbabakasakali sa karagatang hindi maalon, malayang naggagalugad, sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig sa maligamgam at aligagang kaluluwa, hindi mapakali, kung paano nga bang makararating o madadatnan ang pampang. At unti-unti, naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos, ako’y hinahaplos, lumulubog at naghihikahos, hindi makahinga, humihiling na sana’y rito na matapos ang paghahalughog na hindi matapos-tapos. Pero tapos, hindi pa rito magtatapos, bubuksan ang mga mata ngunit hindi makita-kita ang puwang sa pusong hindi mapunan ng kakaibang dulot ng panitikan, ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala ang hindi maipakikita o mabibigkas sa likas na paraan na alam ng tao, na sa kahunghanga’y naniwalang ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba; sa pagbili ng paboritong libro habang inaamoy ang kakaibang halimuyak na dala ng mga papel na may bagong imprenta, sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak mula sa mga salita’t tugma hanggang sa ito’y maging tula dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring makulong sa isang tula, itinatatwa ang mga panandaliang tuwa sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa. Lumulutang sa mga pighati, pasakit, pagkadapa, pangamba, pangangatal, paglisan, pagkapagod at pagkatalisod. Kaya ako’y pipikit na lamang, susubukang umidlip, o matulog nang ilang oras, walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada, tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip, sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga, sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika, sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang kasabay ang ulang panandaliang kanlungan, sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggagalingan. Hindi ko na alam pero susugal na matagpuan ang katiyakan sa walang katiyakan sa panaginip at bangungot na walang katapusan. Tapos heto, hinahanap pa rin ang halaga ng halaga ang tula ng tula at ang ibig ng pag-ibig. Patuloy lang na hahakbang, mula sa kinagisnang tagpuan, magpapabalik-balik, pagmamasdan ang hungkag na sarili na nasa katauhan ng isang katawan kung paanong mamamanghang paglaruan ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala. Umaalingawngaw ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan sa pusong ang tanging alam lang ay ang hindi na muling paglaban, bilanggo ng mapanlinlang na ligayang kumukupas at nag-iiwan ng malalalim na bakas. Tumatakas ang inakalang kasiyahan na kadugtong pala ay kalumbayan, ang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan. at ang paghahanap ay kasunod ang kawalan. Ngunit, ako'y paikot-ikot lang dito, umaalpas, naliligaw sa isang pamilyar na kapilas, mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo, iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro: daan ko’y patungo pa rin sa’yo. Maligaw man o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan, lagyan man ng piring ang mga mata, harangan ng tabing ang lansangan, umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya, alisin man ang lahat ng aking alaala, makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya dahil hindi na ako nangangamba, alam kong ako’y iyong isasalba. Kaya taluntunin man nila ang mapa ng aking napagal na puso, ngingiti lang ako at sasabihing: “ikaw ang dulo, gitna, at simula”. Walang humpay mang umagos ang luha, wala nang palalampasing pagkumpas ng iyong mga kamay sa aking tinatahak na landas dahil ipilit man ng kalawakan ang ilang libong katanungang parating naghihintay ng kasagutan, ikaw at ikaw lang ang tanging sasapat sa sagot na hinahanap. Paikutin man sa kawalan, sa pagkukubli, wala nang pagkabalisa dahil ngayon naiintindihan ko na ang bawat tamis at pait, lungkot at saya, pighati at ligaya, pagkabagot at pagkasabik; at ang bawat sandali pang darating. at ngayon, nahanap din kita. Mali, matagal mo na akong natagpuan. At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali ay naroroon ang ating walang hanggan, sa iyong piling. Kaya magsimula man muli sa walang kabuluhan, gitna o dulo ng paroroonan, mananatili lang na magpapahinga ang pusong nanghihinawa sa dala mong ginhawa. Ngayon, naiintindihan ko na - na sulit ang lahat at maligaya ang aking paglalakbay sapagkat sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang PAG-IBIG mo.
Request permission to use this poem
Written by
danyelakristinn
19 / F
For You?
Written by
danyelakristinn
19 / F
Published
Jun 1, 2017
Lines·Words
166·711
Permission

Request to use this poem

Tell danyelakristinn how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write