Hindi ko inasahan Na ako'y mahuhulog sayo, Na dati wala akong pake sayo Na dati hindi kita gusto.
Kumbaga ako ang umaga at ikaw ang gabi Na kahit kailan hindi pwedeng mapag isa, pero nagkamali ako.
Pinilit kong hindi mahulog sayo sa takot na hindi mo pagsalo, Pinigilan ko ang nararmadaman ko na akala ko'y may ibang nagmamahal sayo, Na akala ko'y may iba kang gusto.
Pero ikaw na mismo nagbigay ng motibo nung araw na inamin mo ang nararamdaman mo.
Nung inamin mo na ako'y mahal mo bumilis tibok ng puso ko nung sinabi mo, ang salitang iyon.
Tumahimik ang paligid na tanging tibok ng puso ang aking naririnig.
Ang paglapat ng iyong labi tila ba'y ang mundo ay sanadaling tumigil.
Hindi ako makahinga na para bang nawalan ng hangin ang paligid.
Ang aking bibig parang napipi dahil niisang salita hindi masabi, Ang aking mata sayo'y nakatitig Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi na dahilan ng iyong pagngiti.
Na ngayon ikaw ang alon na sumasalubong saaking mga paa, ikaw ang araw sa aking umaga ikaw ang buwan sa aking gabi, ikaw dahilan ng pagngiti.
Ang takot napalitan ng pagasa ang lungkot napalitan ng saya, hindi inaasahan na ako'y mas mahulog na pala, at sinabi din ang salitang MAHAL DIN KITA.