Ito na nga ba ang huli Mapuputol na ba ang tali na naguugnay sating mali Pwede bang maulit pang muli?
Ang hirap matanggap Mas lalong mahirap magpanggap Kahit anong takip halata pading hirap Ang mga sakit di ko na kaya pang humarap
Humarap sa laro ng panahon at tadhana Nagtulong pa silang dalawa para sakin ipadama Ang sakit na tuwing ako ay madarapa Sugat mula tuhod tagos hanggang kaluluwa
Malalim pa sa malalim ang iiwanan mo sakin Durog pa sa durog ang puso koβy nag mistulang buhangin Di mo na gugustuhin pang kilalanin Sapagkat kailanmay di mo ako kayang piliin
Noong ika'y nilalamig, ako ang iyong nagsilbing init Kapag takot ka sa bukas, ako sayo ang unang sisilip Ginawa ko naman ang lahat Pero bakit di pa din sapat ....
kasi ika'y mawawala na Nawalan na ng gana ang tadhana Matapos nya akong bigyan ng pag asa Bigla bigla ka ring mawawala na
Sana makabalik pa ako sa punto na hindi ko sinubukang matuto Mag-isip at gumawa ng tula para sayo Dahil wala namang magiging tayo
Wala na bang bisa aking mga dalangin Tinatangay lang ba lahat ng hangin Ngayon mawawala na sakin Ang kailanmaβy di naging akin.