Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

=_tigatig ng tugatog_=

by TanglawatPanglaw

hindi siya isang pintor at ni hindi rin isang iskultor ngunit nais na niyang maipinta sa tulong ng mahiwagang tinta yaong sa kanya'y humihimok :mga kulay at puno sa diwa niya'y nakalilok! Maging ang napakatayog na bundok aakyatin niya hanggang mayapakan iyong rurok at muli doon sa ibabaw kanya pa ring isisigaw ang mga pasaring ng kanyang abot-tanaw bukam-bibig niyang imemensahe ang lihim sa liham nitong Tanglaw at Panglaw! Bagamat minsan na niyang pinailanlang yaring tagumpay na sa kabiguan ay sumalansang at kung ating susuriin,di lahat ng kabalisaan ay gaya ng tubig sa pampang sapagkat mayroong kapayapaan sa gitna ng kagulohang humahadlang. Sa tuwinang pagmamasdan niya ang walang pakpak na mga anghel sa lupa, sa mga sandaling ramdam niya ang mapanganib na mga lobong nag-aanyong tupa. Iisa lamang ang katanongan na sa kanya'y sumasagupa "ano nga ba ang kasagotan sa mata-pobre upang ito ay magpatirapa?" nang sa gayo'y matutong manikluhod sa Dakilang Lumikha Maiwaksi ang pang-aalipusta sa mga dusta Huwag nang malunod pa sa yaman sa halip tumulong sa aba at dukha sabi nga niya... ITAGA MO SA BATO AT SA TUBIG AY ILISTA "hindi lang bilog ang kaya kong paikotin" Ayon pa sa kanya--aking uulitin "magagawa kong iluklok ang magnasang maging nasa tuktok basta't may kalakip na pag-ibig sa nasasakopang sulok" hindi siya isang pintor at ni hindi rin isang iskultor ngunit nais na niyang maipinta sa tulong ng mahiwagang tinta yaong sa kanya'y humihimok :mga kulay at puno sa diwa niya'y nakalilok!
Request permission to use this poem
Written by
TanglawatPanglaw
For You?
Written by
TanglawatPanglaw
Published
Apr 9, 2017
Time
2m
Notes

learn to move

move to learn

*April 9 Araw ng Kagitingan sa Pinas

Tags
#significance#essence
Permission

Request to use this poem

Tell TanglawatPanglaw how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write