Oo tanga ako Tanga ako kasi umasa ako sa iyo Umasa ako na balang araw ay magugustuhan mo rin ako At umasa ako na balang araw makakapasok din ako diyan sa puso mo
Na balang araw ay magiging mahalaga din ako sa iyo At mapapatunayan ko na may nagmahal sa akin ng totoo Pero wala,wala dahil akoy iyong binaliwala
At mas pinili mo pa siya Siya ang tingin sa iyo ay sobrang baba Siya na kahit kailan ay hindi ka pinahalagahan Siya na naaalala ka lang kapag siyang malungkot ay nalulumbay
Pero pilit kong tatanggapin Dahil desisyon kong maging tanga at alipin Sa sarili kong damdamin At sinasabing nagmahal lang, nagmahal lang ako mali ba itong isipin?