Paborito kong laruan ay baril-barilan At hindi mga manika o lutu-lutuan. Hilig ko rin ang manuod ng action movies Kaysa mga disney princess' movies Pero babae ako.
Ayaw na ayaw ko sa bestida, palda, Mga make-up at kung anu-anong pampaganda. Mas gugustuhin ko ang tumakbo o mamundok Kaysa magpunta sa mall at sa salon. Pero babae ako.
Hindi pa ko nagka-boyfriend o nagkagusto sa lalaki Ngunit sa babae ay maraming beses nang kinilg. Mas gugustuhin ko na mahulog sa babae Kaysa sa lalaki sumuko. Pero babae ako.