Naalala mo pa ba? Ang huling sandali na kasama kita? Nong panahong sinabi **** susuko ka na Nong panahong ako ay binitawan mo na At ika’y umalis at iniwan ako sa tabing dagat mag isa
Saksi ang mga hampas ng alon noon sa mga pangako mo Pangako na noo’y pinanghawakan ko at ngayon ito’y nag laho Pangako mo na parang kastillo ng buhangin na iyong binoo At sa isang iglap lang ito’y hinampas ng alon hanggang sa ito’y gumoho
Inukit mo pa noon ang pagalan naten sa basang buhangin At sinabayan mopa sa pag kanta na puno ng mga dalangin Dama yong pagmamahal noon at sa init ng mga yakap mo Pero dama ko rin yong sakit nong araw na ako’y iniwan mo
Hawakan mo mga kamay ko at walang isa sa atin ang bibitaw Ngunit nong pag bitaw mo mundo ko’y tuloyan naring nagunaw Saan na ba yong mga pangako mo noon na pinaniniwalaan ko Mga pangako na ngayo’y diko alam kung yon ba ay totoo
Nilakbay ko ule ang dagat dahil baka sakaling nan’doon ka Kaso ultimo animo mo’y di ko na masilayan at di ko Makita Nag laho ka na nga gaya nong mga pangako mo noon Babalikan pa ba ako kahit alam kung may mahal ka na ngayon?
Kay sakit mahal na pag-ibig naten noon ay inanod narin ng alon Tanging alaala naten nong kahapon ay siyang lage kung baon Kung sakali mang babalik ka pa alam mo na kung saan ako makikita Sa tabi ng dagat kung saan mo rin ako iniwan at binitawan sinta