hindi mo yata napansin dahil ang bilis, ang bilis ng pagtibok ng puso ko ang bilis ng mga dumarating na alaala na nakalimutan na natin kung anong mayroon tayo
ang bilis, ang bilis lang ng mahabang panahon na kung saan ibinigay ko na ang sarili ko sa iyo na kung saan wala na akong natira para sa sarili ko
hindi ko inakala na parang kahapon lang pilit ko sabihin na mahal kita sa kahit anong paraan pero ngayon ay pinipilit na kitang huwag ako pakawalan
ang bilis. pero ang bagal
ang bagal ng sakit na idinulot nang iyong pag lisan ang bagal ng panahon nang pag hilom ng sugat na iniwan mo
sobrang bagal na halos nawala na ako sa kakabilang ng oras dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakalimutan ang araw na iyon.
sana sa susunod magpapaalam ka muna bago mo bigyan ng ulap ang takipsilim na sa iilang oras na lang ay mag gagabi na.
sa tingin ko, dapat ko munang pigilan ang pagiisip sa mga bagay na to, dahil alam ko naman ni kahit isang salita ko hindi mo bibigyan ng pansin. Sobrang daya mo naman dahil lahat ng sinabi mo binigyan ko ng diin. lahat ng drama mo, lahat ng kalokohan mo lahat ng nagmamahal sayo lahat ng gusto mo lahat yun alam ko. hindi ko naman pwede ipagmayabang yun wala lang din dahil ang pwede malaman ng lahat iniwan mo na ako.
wag na natin patagalin pa dahil alam na nila alam mo na alam ko na rin sa sarili ko.
wag na natin ipilit yung mga bagay na wala na ang nais ko lang naman ay ang iyong paalam at sana marinig mo rin ang akin.
paalam na sa munting pahayag na isinulat natin noong tayo pa ay masaya, madami akong natutunan sa'yo at madami ka rin natutunan sa akin, at biglaan, biglaan na muli nating bingyan ng magandang pag salubong ang pagwawakas na kung anong mayroon tayo dahil gusto mo na ako magsulat sa pahina ng iba ngunit naiwan ko ang lapis na kung saan nandoon pa sa iyong tabi
paalam na sa mga umaga na sa pag gising ay halos ngiti agad ang nakadapi sa ating mukha na inuunahan pa natin ang pagsikat ng araw bago pa tayo magpaalam sa isat isa.
paalam na rin sa saya na tayong dalawa lang ang nakaka alam
paalam na.
ang bilis lang diba? sana kung gaano kabilis rin ang pag paalam ko ay ganoon rin kabilis sa'yo. paalam.