Hindi na ikaw ang gusto ko Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko Sa twing nakatingin ako sa sayo. Ayaw ko na ng mga mata mo. Ayaw ko na ng mga ngiti mo. Ayaw ko na ng lahat sayo. Pinili kong maging pusong bato At hindi pansisinin ang nararamdaman ko. Parang normal lang Gaya nung wala pang ikaw. Kaya ko nung wala pang ikaw Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw Kasi nung may ikaw Para akong baliw na laging nakangiti Nakatingin sa langit Iniisip ka palagi At Ayaw ko na non. Kaya araw araw akong magiging bato Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako. Kahit nakatingin ako sayo ngayon. Ngayon. Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko Bakit ikaw parin ang gusto ko Sa pagising sa umaga excited pa akong pumasok kasi ikaw ang makikita ko kuntento sa sandali HINDI kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo “pasulyap sulyap” Ibig sabihin Segundo Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko Ang gusto ay ang tumitig lang sayo Sa mga mata mo, sa ngiti mo Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo Tanggap ko. Kasi ikaw parin ang gusto ko Ikaw ang gusto ko Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba Kaya sinunod ko sila Pero sa twing ikaw ay makikita Parang madilim na kwarto na ikaw lang Ang tanging ilaw na bukas Sa sandaling yun Walang ibang gamit Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat. susubok akong magsalita pero lalayo kana tinatawag ka ng kaibigan mo kasi ang isang oras ay tapos na. “SANDALI” sabi ng prof. muling napinta ang ngiti sa labi dahil sa huling sandali sumulyap muli sayo. Patapos na ang sandali At tinawag kana muli ng mga kaibigan mo. habang hinihiling ko, Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano, Pero sa oras na yon unang lumabas ng silid ang propesor. dahil tapos na ang sandali Tapos na. Ang isang oras.