Naaalala mo ba nung una niyang ipinakita sa'yo 'yung lugar mo sa buhay niya? 'Yung sandaling 'yon na itiniwarik niya daw ang mundo Para hayaan na kayo lang ang nakatayo. Magkasama. Nakita ko 'yung saya na suot ng 'yong mukha. Nakita ko kung paano kumislap 'yung mga mata **** walang alam na daan Kundi 'yung direksyon kung nasa'n siya. Nakita ko kung paano mo winasak 'yung pader d'yan sa puso mo. Nakita ko kung paano ka muling nagtiwala.
At nakita ko 'yung pagsikip ng lugar Na sinabi niyang ikaw lang 'yung may-ari. Nakita ko 'yung muli **** pagtatayo ng harang d'yan sa puso mo. Nakita ko kung paano mo kinwestyon 'yung halaga mo. Kahit na bago mo siya makilala ay sinabi mo sa sarili mo Na hindi ka tahanan para sa mga taong naghahanap lang ng saglit na masisilungan.
Isang gabi, Naramdaman ng hangin 'yung lungkot mo. Agad siyang bumalot sa'yo. Naglaglagan ang mga dahon Kasabay ng pag-agos ng luha mo. Ngunit wala ka pa ring kibo.
Pakiusap, Patingin ulit ako ng dating ikaw— Dating ikaw na isang bagong lenggwahe; Hindi lang sinasaulo; dapat iniintindi. Subukan mo ulit itapon sa dagat 'yung bagyong iniwan niya. 'Wag mo hayaang hampasin ka na naman ng alon ng mga alaala niyong dalawa. Pakinggan mo ulit 'yung katahimikang nakalimutan mo na 'yung nota. Iabot mo ulit sa mundo 'yung mga ngiti sa labi mo. Iparinig mo ulit dito 'yung pagtibok ng puso **** hindi para sa kanya Kundi para sayo. At 'wag mo sanang isipin na kailangan mo ng taong bubuo sa mga pangakong winasak niya. Hindi naman kasi sa bawat pagbitaw ay may taong nakaabang para sumalo. Lumagapak ka. At itayo mo 'yung sarili mo. Kumawala ka na sa posas ng pangalan niya. Hindi mo kailangang banggitin 'yung pangalang pinapabanggit niya na din sa iba.
Higit sa lahat, tandaan mo: Nakapaglakad ka nang wala siya Magagawa mo ring tumakbo nang hindi siya kasama.