Hindi ko alam kung masama ba Na hanapin ka pa rin matapos ang trahedya, Na alalahanin ang mga sandali Na ang luha at sakit ay iyong napapawi.
Hindi ko alam kung masama ba Ang manatili kung saan mo ko iniwan, Nakatayong naghihintay na iyong balikan Punasan ang luha at ako'y hagkan.
Hindi ko alam kung masama ba Na umasa sa tadhana, Na paulit-ulit na manalangin Sa pagdating ng araw na ako'y iyong mamahalin.
Hindi ko alam kung masama ba Na hindi ko na alam ang mali at tama, Na bulag na umaasa't sumusuntok sa buwan Hinihiling na sana ang piliin mo'y ako naman.