Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2016
Sayang,
Magaling ka sana
Kaya lang
Wala kang itsura.
Di ka kamangha-mangha tingnan sa unang tingin,
Di ka nabiyayaan ng kagwapuhan,
Di ka ka rin gaanong katangkad,

Ang buhok mo'y gulo-gulo na para ka laging galing sa suntukan,
Ang mga ngipin mo'y 'di pantay-pantay,
Ang kamay mo'y kasing gaspang ng mga bato,
Ang payat mo na halos kita na ang iyong mga buto,
at mga ugat sa katawan mo na bakat na sa'yong balat at nagpupumilit lumabas
sa katawan **** tila bang nanglalamya na sa buhay.
Ang kulay ng iyong balat na sinunog ng araw dahil pinili **** maglaro sa labas habang tanghaling tapat.

Huhusgahan kita,
Huhusgahan kita kahit hindi kita kilala
Kasi 'eto ang sinabi ng kaibigan ko,
Eto ang sinabi ng mundo,
Pagkat di ka libro na dapat basahin at intindihin
Tao ka,
Tao kang may balat at katawan na pwede kong pagdiskitahan.

Magaling ka sana
Kaya lang
'Di ka sapat
'Di ka sapat para paghangaan ng tao
'Di ka sapat para sa malupit na mundong 'to
'Di ka sapat sa kanya.

Sayang,
Mahal ka na din sana niya,
kaya lang,
ganyan ka lang
kaibigan ka lang niya.

Kaya diyan ka lang sa baba,
Ibaon mo ang sarili mo kabilang ang panghihinayang
Kasi kahit kailan man,
'Di ka magiging sapat.
Sa mundo at sa kanya.
Jeremiah Ramos
Written by
Jeremiah Ramos
  6.4k
   deevs
Please log in to view and add comments on poems