Ayoko na pahabain ang mga sasabihin ko. Dahil ayaw ko narin maalala ang mga tawag ko sayo, mahal,bby,baby,kupal, tangina naalala ko lahat kapag nararamdaman ko ulit yung sakit. Yung sakit na binigay mo nung iniwan at naghanap ka ng iba. Yung sakit na pinaramdam mo sakin na merong ikaw at ako yung tayo. Yung sakit ng pagpaparamdam mo sakin na mahalaga ako. Yung sakit! Hapdi Sakit Kirot Hapdi Sakit Kirot Tangina yan lahat ng klaseng sakit na nararamdman ko pag naaaala ko yung anong meron tayo. Pero naging ano ba talaga kita? Naging ano mo ba ako? Nakgkaroon ba ng tayo? Baka naman ako lang yung nag iisip na merong TAYO. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.." sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.." at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili **** kwarto kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin kabisado ang mga tinatago **** patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim... Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw
07/26/16 9:44 am Tuesday I wroted this poem during my class in philosophy
Some lines came from the famous spoken word writter in the philippines and one of my idol in writting spoken word "juan miguel severo"