Nung ikaw ay lumisan
Ayoko nang matulog.
Nasanay na akong dilat ang mata.
Nasanay na akong katabi ka.
Pero ngayong
Tanggap ko na.
Tanggap ko na na
ikaw ay wala na..
Gusto ko nang matulog.
Matulog ng matulog.
Baka kahit sa panaginip.
Muli kang makasama.