Maria, ang Ibarra na 'yong inirog At pag-ibig na nalimot Ay muling umahon sa ilalim ng ilog At ako'y ginising sa aking pagtulog
Ang iyong kwento'y tila nauulit Ikaw Maria Clara, siyang naging kapalit At ako si Ibarrang nasasaktan nang labis Dahil kay Linares na di maalis
Ikaw ang Modernong Maria Clara Masiyahin, mabuti at mganda At ako si Crisostomong Ibarra Walang pinagkaiba Hanggang sa kasalukuya'y di ka makuha
Ikinasal sa bayan at mga pangarap Patawad ngayo'y di kita maharap Ika'y isang malayong pangarap Na sa mga kurso'y di ko mahagilap
Anupa't ika'y nakangiti ngayon Ngunit huwag gayahin ginawa ni Clarang noon Maging masaya ka sa sa piling ni Linares na iyong **** Habang ako'y magdurusa sa loob ng marami pang taon
Saglit at sa loob'y nagkakasiyahan Tugon nila'y marahan sa aking nararamdaman Musikang ngayo'y kakampi Dusa sa di makuhang pulang mga labi
Kung darating man ang panahong "Ikaw" Hiling ko'y maging masaya at di mapanglaw Mukha mo sa puso ko'y di manakit at manghataw
Sa di pagtingin sa king mata Wari ko'y alam mo na Ang aking tunay na nadarama Mahal kita Maria Clara, Paalam na