Sa titulo tila may kulang Pangala'y di maisulat lamang Sa aking paningi'y higit pa Kay Maria Clarang inyong aba
Dalisay sa pagtugtog ng alpa Sa kanya'y wala nang hihigit pa Isang tunay na binibining gwapa
Istrikto't malambing Ganda'y nakapupuwing Singlambot ng mamon ang puso At laging nakasunod sa uso
Si Maria Clara man ang hiling nila Sa aki'y sa kanya, wala nang hihigit pa Maging si Inday, Andeng at Sinang Sa mundo'y nais siyang ipakilala Ngunit tulad nga ng nauna, Ang pag-ibig na ito ay walng pag-asa