Hindi na ako iibig sa isang bagay na mamamatay rin lang Hindi ko na ibibigay ang oras sa mga 'yong mapanlinlang! Tigilin mo na ang paglublob saakin sa mga panaginip ng magpakailanman Hindi totoo ang pag-ibig sa mamamatay rin lang At iiwan ang imortal kong pag-ibig na tiwangwang sa gilid ng daan Wala nang malay na siya ay tinalikuran ng isang bagay namamamatay rin lang At di kayang punan ang puso kong kulang kulang
Nais kong umibig sa kalayaan Isang bagay na di ko mahahagkan ni mahahawakan Gusto kitang ibigin, o kalayaang mailap Sa buhay kong kay tagal di hinagap
Isisigaw ang ngalan mo sa mga nais umapi sa 'yo At agawin ka man ng kahit kanino Hayaan mo't nandito akong mamamatay para sayo Dahil ikaw ng pinili kong ibigin Sa sibat o bala handa kang sagipin Ialay ang boses na para sayo lamang At walang ibang magkakamkam
Ikaw lamang ang hindi mamamatay Na maski pagkaraan ng daan taong namatay Ay muli ring mabubuhay Kung mawala ka man saakin o aking giliw Di kailanman nila'y maitatago di ako bibitiw Ang pagkulong sayo sa mga kadena o sa likod ng rehas Ay kahangalan ng isang batang mapangahas O matatawag ko siya, mahal, na isang ungas
Dahil nagsusumigaw ka kailan pa man Hindi ka nila maaagaw o kalayaan
Sapat na ang nagdugong puso ko noon kay hustisyang binalatan ng buhay sa aking harapan Ubos ang laman, ginahasa't binayaran Ang nais ko lang naman ay 'wag siyang mamimili ng pagnanasaan Lumapit ako sa kanya ngunit anong maiaalay ng aking karukhaan? Di pa sapat ang aking kamalasan Binaligtad aking katotohanan Maging ang pagkapantay pantay Na siya rin mismo ang pumatay