Nagtatanong ako kung bakit di ko mailarawan Lahat ng naglalaro sa'king isipan Na kailangan pa umaano bigyan ng isang kwadro Sa inyong mga tamad na isipan At trabaho ko pang sa inyo'y isubo ang matigas na katotohanan Na para saaki'y isang malaking katangahan At ginagamit lamang ng maraming nais magpasikat upang tumaba ang kapalaluan sa kani-kanilang tiyan At kumain ng papuri na siyang lalamunin pang kape lang at pambili ng tinta ng bolpen o ng papel man 'yan At ano pa ang sining kung wala ka nang mapiga sa utak **** kinain ng uod ang laman Lumuluha ka ng dugo para sila'y mamangha; mga burgis na magpopondo sa iyong katha Na ano? Kasabay mo lang rin pumasok sa pamantasan bilang dukha Pero ibang iba na mga mukhang inalisan na ng pasakit ng pag-iisip Kung ano na ang para kinabukasan o kung meron pa nga namang daratnang liwanag O kung bukas ay ang kadiliman naman Saan ka pupulutin lintik kang di naging gahaman na piniling 'wag magpakayaman sa mumunti **** naisin na pagnanasa ng 'yong katawan? Pinili **** sundin ang tawag ng 'yong laman, ang tawag ng uhaw na kalooban Ano nga ba ang silbi ng pagpapakain sa kanila ng iyong isipan kung maari namang ito'y bigyan mo ng isang kasangkapan o kaya ito'y laktawan Ng kahit anong katanungan at pagpagin ang natutulog nilang kulot na taba mula sa pang-aalipin ng katamaran?