Ako'y kinakabahan Saan ko kaya ito u-umpisahan? Siguro ito'y epekto ng iyong biglaang paglisan Kaya ako ngayon ay naguguluhan Pano mo nagawang mang-iwan?
Iniwan .. iniwan ang puso ko sa ere ng walang kaalam-alam Na Hanggang ngayon halos puso ko'y nangunguyam Sa bawat oras na pumapasok sa aking puso at utak na tila isda na uhaw-uhaw Hanap-hanap palagi ay ikaw
Minsan naalala ko pa nga naisulat ko ang iyong pangalan sa buhangin Nagbabakasakali na sana'y ika'y dumating Nakatingin sa mga bituin Umaasa na isa sa mga ito ay magbigyang diin na sana dumating Ang nagiisang bituin para sa akin
Nilalamok na ko kakatingin sa mga butuin Iniisip pa din kung sakali man na ikaw ay dadating Agad kitang yayakapin At sasabihin Na ikaw padin ang nagiisang tao na kayang magpatibok nitong aking damdamin
Ang tanga mo Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa kanilang mga bibig na lagi nilang binabanggit kapag nakita nila akong nakaupo sa gilid dyan sa may sahig ngunit hindi ko sila pinakinggan Palagi nila ako tinatapik sa aking balikat at sinasabing wag ka nang umasang babalik pa yan Siguro nga hindi lang yan panandalian Pero asahan mo ko aking mahal hihintayin pa din kita Kahit wasak na wasak na ang puso ko ng tuluyan hihintayin kita
At sa iyong pagbalik Umaasa na hindi mo na ako ulit Ipagpapalit. Ngunit bakit ka'y pait? Umaasa na makita ka na kahit saglit Sapagkat Hindi ko na kaya ang sakit . .
Sana panginoon wag kang magalit. Nawa'y kunin mo ako sa langit.
This is my first so yun. Any comments is allowed. Message me on facebook; https://www.facebook.com/YatotDwayt For comments thanks :)