Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Pagmamahalang sira

by mteniola

Tanging hiling sa hangin na sana'y tangayin Ang mainit na bugso ng damdamin Bawat paghampas at kumpas, Hindi ko alam kung saan dadalhin Pinasok natin ang buhay ng isa't-isa Walang kamalayan sa ating pakakahantungan Sa mundong hindi perpekto at walang sigurado, ang tanging pinanghawakan ko lang ay may ikaw at ako. Nangungulila sa mga mata mong nangungusap Na sapat ng pagtakpan lahat ng sakit na nararamdaman Ang mga mata mong sumilaw sa madilim kong isipan Kailan ko kaya ulit ito matatanaw Madaming hindi pagkakaintindihan Nauuwi sa sakitan Hindi mabilang ang kapintasan Na bumabalot sating samahan Tila bagyong walang dala kundi pinsala Pagmamahalan nating puno ng pangamba Mga mata mo lang ang tanging naging sandigan Panangga sa kalamidad, silong sa kadiliman Isang gabing hindi ko mabura sa ala-ala Nakatatak sa puso't ispian Binaybay ng mga kamay mo ang bisig ko Hinagkan, hinalikan at hindi binitawan Pinagdasal na sana'y wala ng katapusan H'wag na sanang sumikat ang araw Dahil walang ibang nais kundi ang namnamin Ang bawat minuto sa iyong piling Marami ang hindi kayang unawain Ang ating kumplikasyon na dala ng depresyon Ano bang alam nila? Bukod sa kutyain tayo Sabi nila baliw tayong dalawa Hindi inalintana ang sinasabi ng iba Malaki ang tiwala ko sa'yo, sa akin, Sa ating dalawa Ngunit naging malupit ang mundo, marupok ka at mahina ako. Hindi na kita kilala Hindi mo na ko tinitignan sa mata Tinalikuran ang sarili kong giyera at pinaglaban ka Patuloy kong sinasabi sa'yong, "Mahal, andito lang ako. Kumapit ka." Nagbingi-bingihan, pasok sa isang tenga Labas sa kabila Pinagtabuyan palayo pero sabi ko sa sarili, hindi ako susuko. Tuwing ipipikit ko ang mga mata, hindi maiwasan ang pagtulo ng luha. Sinisigaw ng puso, kayanin ko pa. Pero ang tanong ng utak, para san pa? Gusto kitang hagkan sa bawat sulok ng katawan, gustong akuin ang sakit na iyong nararamdaman. Naging manhid ka saking sakripisyo, Patuloy akong pinagtabuyan. Hanggang sa naubos na ang pasensiya at pag-unawa, halos isuka na natin ang isa't-isa Pagmamahal nalang ang nakita kong dahilan kung bakit patuloy parin nating sinubukan Hindi lilipas ang isang araw na walang bangayan Ang haplos mong nung una'y malumanay naging mahigpit at puno na ng galit Nauntog sa katotohanang hindi sapat ang pagmamahal lang Naglaho ang kislap ng mata na nung una'y sapat na kahit wala ang mga salitang, "mahal kita" Anong ginawa natin sa isa't-isa? Mag pag-asa ba talaga ang pagmamahalan ng dalawang taong sira?
Request permission to use this poem
Written by
mteniola
21 / F
For You?
Written by
mteniola
21 / F
Published
May 13, 2016
Lines·Words
85·403
Permission

Request to use this poem

Tell mteniola how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write