Pagod na ako sa mga gawain na paulit-ulit lamang Pagod na ako sa mga bagay na kailangan intindihin at tanggapin ko lang Pagod na ako sa paggawa ng mga bagay na wala namang saysay Pagod na ako sa araw-araw na pag-alalang kakayanin ko ang lahat ng bagay
Kaya ko... Kaya ko... Kaya ko pang gawan ng paraan Kaya ko pang remedyohan Kaya ko pang isalba ang lahat
Hindi na dapat ako nag-papakulong sa gantong emosyon Hindi na dapat ako nag-iilusyon Hindi na dapat ako nagkakaganito Hindi na dapat ako nagiisip ng ganito
Sa layo na ng narating ko dapat kaya ko na ito Sa dami na ng pinagdaanan ko dapat sisiw nalang sakin ito Sa dami ng hirap na naranasan ko sanay na dapat ako sa mga ganito Ngunit higit sa lahat, sa dami na ng naipundar kong oras at pagod, alam ko sa sarili kong kayang-kaya ko 'to