Hindi ka isang pagbibiro dala ng aking ibang katauhan Sapagkat simula't sapul pa man, batid kong mararamdaman ko ang ganitong halimuyak. Nalaman kong awitin ang pinakamalungkot na sonata, Sumayaw ako sa walang saliw at indayog na musika nang parang baliw sa kalsada. Higit sa lahat, nag-agahan, nananghalian, nagmeryenda at naghapunan ako ng luha, kalungkutan, pagdadalamhati at pagsisisi. Ikaw ang dahilan nito, dahil sa pag-ibig na napagtanto ng hungkag na isipan.
Noong mga panahon, wala akong pakialam kung bitayin man ako ng sarili kong kahinaan at panglilimos. Ilang pagkakataon ba ng pagnanakaw ng kasiyahan ang ipinagkasala makasama ka lang? Hinayaan ko ang sarili na tumalon, mahulog, at lumagapak mula sa mataasΒ Β na bangin gayong batid kong di mo rin naman ako kayang saluin.
Kasalanan bang magmahal? O, sadyang totoong nagmahal lamang ako tulad mo ring nagmamahal sa kanya?