Salamat sa malasakit, sa araw at gabi Sa mga oras na kailangan ko ng kakampi Sa mga sandali ng aking paghikbi Palagi ka lang narito sa aking tabi
Salamat sa pag-asa, sa patuloy na paggabay Sa mga sandali ng aking paglalakbay Hindi ako nag-isa, mayron akong kasabay Sa hirap at ginhawa, ikaw ay kaakbay
Salamat sa mga salitang aking kalakasan Naging inspirasyong ituloy ang buhay Mga mata'y namulat sa katotohanan Ang mundo'y kayganda at mayroong kulay
Salamat sa lahat ng kabutihan mo Mayroon ng lakas na mula sa iyo Anuman ang hamon ng mapaglarong mundo Maliit man at hamak ay lalaban ako
Salamat, salamat, aking kaibigan Pag-ibig na busilak aking iingatan Hanggang sa pagtanda, hanggang kamatayan Pagkakaibigan ay walang hangganan.