Paano naman ako, Sa mga oras na naisip **** iwan ako? Hindi mo ba napagtanto Nasasaktan din naman ang puso ko Dahil sa agwat at oras na tayo'y pinaglalayo.
Sinta, paano naman ako? Hindi mo man lang ba naisip na ako'y nahihirapan din Sa walang humpay na pagbulong na lamang sa hangin Ng mga salitang gustong sambitin Habang sa mga mata mo'y ako ang nakatingin.
Mahal, paano naman ako? Sa mga oras na lumilipas na tayo'y magkalayo Hinahanap ang yakap at halik na mula sayo Ang mga oras na maaaring magkasama tayo Ngunit sa panahon nalang pinaubaya ito.
Sabihin mo, paano naman ako? Ako na alam **** sinira ng kahapon Nabahiran ng kasinungalingan at poot, nababasag sa pagdaan ng taon Paano naman ako mabubuo, Kung kahit ikaw dinurog ako at hindi naging totoo?
Ang sugat ng kahapon ay patuloy na gagambala sa gunita.