Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Paano?

by @dorkcereals

Paano ko kalilimutan ang taong hindi naging akin? Mayroon bang off-switch na pwede kong pindutin? Gusto kong sabihin sa sarili ko "tama na! huwag ka na umasa!" Pero bakit nasa larawan mo pa rin ang aking mga mata? Paano ko kalilimutan ang matang hindi ako tinignan? Mga matang mapupungay at kaysarap pagmasdan Kung pwede lang pumikit, tapos pagkadilat ay wala ka na Para tumigil na ako sa walang humpay na pagluha. Paano ko kalilimutan ang mga ngiting ubod ng tamis na iginuhit ng mga labi mong tila seda sa nipis? Gusto kong isigaw kung gaano kita iniibig! Ngunit kung sarado ang tainga mo, paano mo ako maririnig? Marahil sasabihin mo, OA na ang tama ko hindi ko pa kilala, pero ang drama ko ay ganito Kasalanan ko bang umasa na ang mga daan namin ay magtatagpo lalo na kung alam kong andyan lang siya sa kabilang kanto? Paano ko tatalikdan ang pusong hindi naangkin? May bukas pa ba na nakalaan para sa atin? Kailangan ko na bang itigil ang kahibangan kong ito? Natatakot ako sa sagot, dahil madudurog lang ako.
Request permission to use this poem
d
Written by
dorkcereals
For You?
d
Written by
dorkcereals
Published
Jan 28, 2016
Time
2m
Tags
#derekthestalkerseries
Permission

Request to use this poem

Tell dorkcereals how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write