Ayoko nang mag-isip Dahil baka aking ma-isip Na kahit hanggang ngayon Ay wala ako sa'yong isip, giliw
Ayoko nang pumikit At ayoko nang mangarap sa bituin Dahil sinta ko, Ikaw ang aking panaginip
Ikaw ang nasa talukab ng aking mga mata Na nawawalang parang bula 'Pag dating ng umaga
Pero aking mahal, Hindi ka nawawala pag-umaga, Dati
Kaya sa dati na lang ako kakapit At sa dati na lang ako titingin At sa dati na lang ako mananatili At hindi sa aking mga panaginip na mapagsinungaling.