Naalala ko noon, Hindi tayo nagpapansinan, Hindi tayo nagkikibuan, Hindi tayo naguusap, Lumilipas nga siguro ang isang araw na wala tayong pinaguusapan. Pero hindi mo lang alam kung gaano kita gustong mahagkan, masilayan, mahaplos ang iyong mga kamay. Noong mga araw na kapiling pa kita. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, kasi abalang abala ka sa ibang bagay. katulad nalang ng 'katext' mo Hindi mo alam kung gaano kita gustong kausapin. Hindi mo alam yun. Hindi. Hindi.
Kaya ngayong wala kana :( tanging hiling ko lang naman kay bathala ngayon ay ang: Ibalik ang lahat. Ibalik ka nya. Ibalik ang mga araw na gusto kita yakapin. Ibalik ang mga araw na gusto kita hagkan. Ibalik ang mga araw na gusto kita kausapin. Pero alam kong malabo pa sa mata ng mga lola natin na mangyare ang ganung bagay. Kaya, eto ako. Kontentong kinakausap ka sa PUNTOD mo. Niyayakap ka sa Hangin. Kinakausap ka sa Dasal. Iniiyakan t'wing sasapit ang hating gabi. Hinahalikan ang LAPIDA sa PUNTOD mo. Pero alam kong alam mo na. Kung gaano kita gusto ng makasama ullit :'( Alam kong alam mo na. Gusto na kitang sundan dyan. pero hindi pa. Hindi pa. Hindi pa NGAYON. Dahil naasa akong, MABUBUO TAYO ULIT DI MAN DITO SA LUPA KUNDI SA KABILANG MUNDO