Isa Isang taong nasasaktan Isang taong umaasa Isang taong nagbigay tiwala Sa isang taong kanyang pinaka mamahal Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon Isang magandang relasyon Nasira ng isang sigalot Isang pangakong bibitiwan Ng isang pusong umaasa
Dalawa Dalawang taong pinagtagpo Dalawang taong nag-ibigan Dalawang taong nagbigay kulay Sa buhay ng isa't isa Dalawang pusong pinag-isa Dalawang labing nakangiti sa tuwina Dalawang matang lumuluha Dahil ang dalawa'y hindi na isa
Tatlo Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa Tatlong salita na nagbigay ligaya Sa pusong tatlong taon ng umaasa Kung may magmamahal pa ba? Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na Upang mapawi ang lungkot at mapalitan ng ligaya Tatlong masasakit na kataga Ang naghiwalay ng landas ng dalawa
Apat Apat na buwan ang hinintay Bago makamtan ang matamis kong 'OO' Apat, ang bilang ng letra sa isang salitang tawag mo sa akin Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin
Lima Limang buwan tayong isa Lima, ang sukat ng aking paa Na lagi **** pinagtatawanan Lima, ang bilang ng mga daliri ko Na lagi **** hawak-hawak Limang minutong yakap madalas **** ibinibigay
Anim Anim ang bilang ng letra ng iyong pangalan Anim ang dami ng nais **** alagang hayop Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito: Mahal pa rin kita
Pito Pitong kontenenteng nais nating lakbayin Pitong araw sa isang linggo Mga araw na pinasaya mo ako Pitong bilyong tao sa mundo Ikaw ang pinili ko
Walo Walo, isang numerong mahalaga sa'tin Walo, isang numerong ginagamit sa tuwing naglalambingan Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a' Wala, parang tanga
Siyam Siyam ang araw ng kaarawan ko Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo Siyam katunong ng pangalan ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos Siyam and dami ng taon na bibilangin bago matupad ang pangarap nating dalawa
Sampu* Sampung taon mula ngayon Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar Sampung taon, maghihintay ako Yan ang pangako ko