Bakit ako nasasaktan? Alam ko naman na ako Ako ang dahilan kung bakit ako nasasaktan Sa dami dami dami ng pagkakataon ko Nakasabay kita sa pag uwi Nakasabay kita sa pagkain ng tanghalian Kaklase maghapon Kapwa leader ng mga group mates natin Sa dami dami dami dami dami dami Ng pagkakataon ko na masabi ang nararadaman ko Nanitili akong walang kibo. Kaya bakit ako masasaktan Kung sa una palang ako na ang may kasalanan Ako tong nanatiling bulag pipi at bingi sa nararamdaman Bulag sa katotohan na pwede nman talaga tayo Pipi sa pagsasabi ng nararamdaman ko at Bingi sa puso kong walang ibang sigaw kundi ang pangalan mo. Ngayong wala na. natagpuan mo na ang tamang “sya” At oo, Oo nasasaktan ako Nasasaktan parin ako Oo nasasaktan ako kasi sweet kayo Oo nasasaktan ako kasi nakikita ko mahal nyo ang isat isa At yung ang kinasasaktan ko Oo nasasaktan ako Oo nasasaktan ako Sakit na sakit na ako.
May naisip na akong magandang ideya, Hindi kita papansinin. Parang hindi ko pagpansin sa nararamdaman ko Kahit ikaw parin ang laman nito. Didistansya ako na Malayong malayong malayong sayo para hindi mo Makita na Nasasaktan ako Ganun nalang talaga siguro ang magagawa ko Ang manatiling bulag pipi at bingi ang sarili ko. -end-