Nagmula ang lahat ng tayo'y sumakay, Ni hindi alam ang rutang dadaanan, At sa pagkabigo mo'y sinisi'ng lahat; Sa gabing minsa'y nalunod sa pag-iyak.
Nagmula ang lahat ng tayo'y lumingon, At kung mabigat na'ng ulap, ano'ng tugon? Sa pagtapak mo sa andamyo ng saya Mapapansing may luha'ng 'yong mga mata:
Nag-iwan ng lungkot kahit nakita na Ang mga talang kaytagal na hinintay; At sa paglisan mo sa iyong nasakyan, Isang barkong muli ang matatagpuan...