Sabi mo sa akin tumingala ako sa langit At tingnan ang mga talang kaakit akit Nang ako'y tumingin sa kalangitan Ni isang ningning ay wala akong namataan Nasan ang sinasabi mo? Bakit ang labo mo?
Sabi sa isang dyaryong aking nadampot Ang mundo'y puno na ng poot Simoy ng hangi'y hindi na presko Pagsasa walang bahala, eto ang epekto
Puro nalang kasi AKO AKO AKO Wala manlang SILA SILA SILA Paano na nga ba ang iba? Parati nalang sila ang taya Kelan ba sila makakalaya Tila ang tadhana'y maramot at madaya
Mga walang kamalay malay parati nalang nadadamay sa mga bagay bagay na tayo ang may gawa Tila hindi na nagsawa Sa ilang ulit nang pagmamaka awa
Sila ang nagbigay, bumuhay and nagpalago sa ating ekonomiyang nagduduwal ng daan daang salapi at nagbibigay sa atin ng gatas na naiiwan pa sa ating mga labi
Tayo? Kelan kaya tayo makapagbibigay? Kanilang pangangailangan parati nalang "mamaya na yan" Kung kelan huli na ang lahat Kung kelan tayo na'y salat Saka lang mapapansin na malapit na tayong mag dildil ng asin
Hindi ba pwedeng baliktarin? Baliktarin ang pamamaraan natin Sila naman ang pagbigyan Uhaw na sila sa kalayaan
FREEDOM ISLAND! FREE DEYUM ANIMALS! DONT TAKE AWAY THEIR HOMES!