Alam mo bang ikaw lang ang minahal ko nang ganito? Yung tipong pag nakikita kita, gagawin ko'y di mapagtanto Yung kahit anong hilingin mo'y mabibigay ko Yung naalala kita lagi kapag may kundiman sa radyo
Sa kabila ng lahat, iniwan mo kong nag-iisa Nakakubli sa unan kong basa Ikaw ang naging buhay ngayo'y hirap nang huminga Hindi ko alam kung paano kakayanin ang sakit na iyong dinala
Pero bakit ikaw pa rin ang laman ng aking mga panaginip? Hinahaplos mo raw ng iyong mga kamay ang aking mukha Parang awa mo na't lubayan mo na ang aking isip Ako'y nagdurusa pa rin sa labis na sakit na iyong dinala.