Kung gustong magpatuloy Burahin ang nararamdaman Kung gustong mabuhay Burahin siya sa iyong isipan
Tamang daan ay alam na alam na ito na dapat ang ginagawa pero pinipili pa ring maging masaya kahit sa dulo alam naman nating talo na
Masaya pa bang ituturing, Kung ang sakit ay nandoon rin? Masaya ka bang ituturing, Kung sa gabi'y mata mo ay lumuluha rin?
Tunay sa ligaya Di talaga sa materyal na bagay makikita. Mata ng iyong sinisinta na sa iyo nakatulala Anong ligaya ang madarama.
Panandaliang ligaya nga naman Panandalian lang ang lahat Pang matagalang sakit at poot Naman ang sa iyo'y idudulot
Hahayaan mo na lang ba na gano'n?
Kung ligaya ay minsang panandalian Malamang lungkot at paghati ay panandalian lang din. Ngunit haba ng dulot ng ligaya ay di masusukat Lungkot na naramdaman ay tiyak malilimot mo na.
Tunay ngang pag-ibig ay magulo Hindi ko maintindihan Bakit kapag nasasaktan ka'y ayos lang? Hindi ko maintindihan Kapag nama'y masaya ka, babawiin rin lang Hindi ko maintindihan Maaari bang madali na lang ang lahat?
Pag-ibig ay talagang magulo Pagkat kulay nito'y halo-halo. Mundo ay napapaikot gamit ng pag-ibig na ito, Sabi nga ng maraming nakaranas na nito Hindi ka matututo umibig Kung di ka masasaktan. Sakit sa pag-ibig ay normal
Pagkat ikaw ay nagmamahal.
Written unconsciously by Patricia and I. She was thrilled by the stanza in my poem called Mula Lunes hanggang Linggo (which is posted here too) and she continued the last part with another context and then I answered back until we finally came up with this. That was fun!