Hindi man naisin Ikaw ay nasa isip pa rin Sinubukang limutin Damdamin para sayo ay di kayang tiisin
Lahat ng lungkot na sa aking puso'y, iyong iniukit Nakasulat sa papel, sa dingding doon nakadikit Mga saloobing puno ng hinanakit Itatago at kikimkimin, isasabay na lamang sa aking pagpikit
Sabi mo "hindi mo ako iiwan" Tugon ko "ikaw lang magpakailaman" Subalit ngayon ako'y nangungulila Hindi malaman kung bakit laging nakatulala
Sinta, ano ba ang aking nagawa? Hindi ko sukat akalain, na ang pag ibig natin ay biglang mawawala Sa aking pag-iisa, susubukang isagawa Ang paglimot sa ating masasayang ala-ala