Lumilipas ang araw, dumarating ang gabi Di ko namamalayang malapit na ang sandali; Ang araw na malapit na ang pagdating Sa pag-alis ko, saan kaya ako makakatating?
Malayo man, hindi ko pa alam kung saan dapat puntahan Ang ninanais ko parang mailap na naman; Gusto kong marinig kung ano ang desisyon O kahit ano man ang kanilang opinyon.
Maaalala ko sila kahit saan pa ako mapunta Sila yung mga taong nagpakita sa akin ng pagpapahalaga; Hindi madaling kalimutan ang mga taong ganoon Walang halong plastik ang pinakikita nila mula noon.
Malapit na.. kahit di ko pa iyon hintayin Darating na yung panahon na ang isang lugar akin ng lilisanin; Mga kasama, kaibigan, hindi ko makakalimutan Isang muling pagpapaalam mula sa isang lilisan.