Wag mo akong itulad sa iba Na laging nakapayong kapag umuulan Kahit basa kaya ko pa rin tahakin ang daan Daan na kasing putik ng kanilang nilalakaran.
Wag mo akong itulad sa iba Na akala mo kung sinong napakalaki ang mga mata Na halos puro nalang mali ang kanilang nakikita Daig pa ang maykapal kung makapanghusga.
Wag mo akong itulad sa iba Na kung sinong mapakakapal ang mga bulsa't pitaka Sila na kayang bumili ng kung anu ano lalo na pati ang hustisya Sasaktan, gigipitin ng ilan masunod lang ang ninanais nila.
Wag na wag mo akong itutulad sayo Wag mo din akong itulad sa tatay at nanay mo Lalong lalo na sa taong mga nakapaligid sayo Bakit? Hindi tayo pareho, Mayaman ka at hampaslupa ako.