Eto na naman ako Nababalisa, hindi malaman kung hihiga o uupo Buong araw na akong ganito Hindi malaman kung nasiraan na ba ng ulo Ibang klase talaga kapag tinamaan Sino ba talaga ang may kagagawan?
Para akong sago Habang ikaw naman ay gulaman Dalawang bagay na magkaiba Ngunit swak kapag pinagsama
Pero saglit, teka, taympers ako'y naguguluhan Ano ba talagang meron saiyo babaeng nilalang? Puso ko'y nabihag mo ng walang pakundangan Alaala kapag kasamay ka ay hindi ko malimutan
Ang iyong ngiti ay walang kaparis Mga tingin na sobrang tamis Makasama ka lang ay parang nasa alapaap na Tunay ngang hindi makakalimutang tumawa
Kung mabasa mo man ang tulang ito Eto ang sasabihin ko saiyo: Gagawin ang lahat para lungkot mo ay mapawi Dahil ang tanging gusto ko lamang Makita ang ngiti saiyong mga labi