Magkaulayaw kami ng mga bituin, ng hangin, ng gabi, ng kamatayan.
Inaangkin ng mga bituin ang diwa kong kaputol ni Bernardo Carpio. Hinahaplos ako ng malamig na simoy ng hangin. Napapawi lamang ang aking kalungkutan tuwing nagtatagpo kami ng gabi. Nagbubulungan kami ng kamatayan ng matatamis na mga salita.
Nagbunga ang aming pagtatalik, aaminin ko:
mga supling ng titik at tayutay, mga anak na inuluwal sa ating panahon.