Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2015
Kalong ng kanyang ina
ang isang labing anim na taong gulang na binatilyo.

Basang-basa.

Nangingitim ang mukha at di na humihinga.

Patay na yata.

Nakuryente siya
habang ini-aakyat ang black and white
na telebisyong kasasangla lang
ng isang magsasakang magpapa-check-up sa PGH-
sa ikalawang palapag ng kanilang 5 square meter na tahanan.

May bagyo noon. Super.

At umapaw ang ilog.

Ang sabi sa radyo nakataas na ang signal no.3 sa buong Central Luzon.

Nag-iisip pa rin siya (ang ina) habang binabagtas
ng sinasakyan nilang rubber boat na kulay dilaw
ang daan papuntang evacuation center.

Hindi na niya nagawang magsuklay at mag-suot ng bra.

Kalong niya ang kanyang binatilyong
pangarap mag-aral sa Maynila-

na kanya ngayong ipinagluluksa.

Sa Maynila,

sa isang pamantasang kulay langit ang pasukan at labasan,

nagdiriwang ang mga paang patungo sa Robinsons.

Alas dose.
Cut ang klase.

#WalangPasok.
Stum Casia
Written by
Stum Casia  Manila
(Manila)   
5.2k
 
Please log in to view and add comments on poems